Ano ba ang pinaka nababadtripan mo tuwing gumagamit ka ng Facebook?
Ako yung mga taong nagpapalike ng status, picture, at kung anu-ano pa sa facebook.
Nakakabadtrip lang kasing isipin na kung mi ginagawa kang importante sa computer tapos
meh biglang mag-pm(Private Message) sayo at nagmamadali kang pang i-check yung facebook
mo sa isang tab tapos biglang magpapalike lang pala?
Istorbo diba!!??
Isang dahilan ng dumadaming nagpapalike ay yung mga pa contest sa mga fanpage na paramihan ng like at mananalo ng load. Yung iba naman nagpapalike ng mga picture nila kasi pagmarami daw like eh feeling nila gwapo/maganda at sikat na sila. Sa tingin ko di naman talaga nasusukat ang kasikatan kung maraming like ang picture sa facebook.
Hindi naman sa nagagalit ako sa mga taong nagpapalike, ang point ko lang eh bakit kailangan pang mamilit nah magpalike ng kung anu-ano nah di naman related sa akin, sa amin!
Ang mabuti pa kumain ka nalang ng saging.
Diba ang saya?!! |
No comments:
Post a Comment